Magiging maaraw at mainit pa rin ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Gayunpaman, may posibilidad ng mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa hapon o gabi.

Sa ulat ni Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA, sinabi niyang umiiral pa rin ang easterlies sa buong bansa kaya asahan ang mainit at maalinsangang panahon.

Narito ang inaasahang temperatura sa ilang pangunahing lugar:
🌡️ Tuguegarao City – hanggang 35°C
🌡️ Metro Manila – hanggang 34°C
🌡️ Puerto Princesa, Iloilo, Davao – hanggang 33°C

Labing-pitong (17) lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng danger-level heat index mula 42°C hanggang 51°C, na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke kung magpapatuloy ang pagkaka-expose sa araw.

📍 Heat Index na 43°C:

  • Dagupan City, Pangasinan

  • Coron, Palawan

  • San Jose, Occidental Mindoro

  • Virac, Catanduanes

📍 Heat Index na 42°C:

  • Echague, Isabela

  • San Ildefonso, Bulacan

  • Olongapo City

  • Cuyo, Palawan

  • Roxas, Capiz

  • Dumangas, Iloilo

  • Panglao, Bohol

  • Catarman, Northern Samar

  • Butuan City, Agusan del Norte

  • Dipolog City

  • Zamboanga City

  • Musuan, Bukidnon

  • Cotabato City

Paliwanag ng PAGASA, ang heat index ay ang pakiramdam ng katawan sa aktwal na temperatura kapag sinamahan ito ng halumigmig sa hangin.

Dagdag pa ni Estareja, posibleng maapektuhan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang mga silangang bahagi ng Visayas at Mindanao sa hapon.

Asahan ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at mga thunderstorm sa mga sumusunod na lugar:
⛈️ Caraga Region
⛈️ Eastern Visayas
⛈️ Davao de Oro
⛈️ Davao Oriental

Babala rin ng PAGASA, maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na rehiyon.

Sa ngayon, wala pang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa pagsisimula ng Semana Santa.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *