“Mga Turista Pinayuhang Iwasan ang Mga Lugar na Apektado ng Pagsabog ng Bulkang Kanlaon”

“Mga Turista Pinayuhang Iwasan ang Mga Lugar na Apektado ng Pagsabog ng Bulkang Kanlaon”

Pinayuhan ang mga turista na sundin ang mga lokal na abiso at iwasang magtungo sa mga lugar na apektado ng ashfall matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), kabilang sa mga lubos na naapektuhan ng ashfall ang La Castellana, La Carlota City, Bago City, at Murcia sa Negros Occidental, gayundin ang Canlaon City sa Negros Oriental.

Bilang bahagi ng mga hakbang sa kaligtasan, pansamantalang sinuspinde ang trekking, swimming, farm site visits, at day tours sa mga lugar na ito. Kasama sa mga atraksyong pansamantalang isinara ang Guintubdan Spring, Buenos Aires Resort, Mambukal Resort, Sugar Valley Coffee Farm, at iba pang mga destinasyon na nasa o malapit sa 6-kilometrong permanent danger zone ng bulkan.

Bukod dito, ipinasara rin ng lokal na pamahalaan ang Kanlaon Inland Resort and Eco-Tourism, Padudusan Falls, Bao-bao Viewing Deck, at Quipot Falls sa Canlaon City upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Ayon sa DOT, “Bagamat walang naiulat na nasugatan, nasawi, o na-stranded na mga turista, mariing ipinapayo sa mga manlalakbay na iwasan ang mga destinasyong nasa loob ng 6-km permanent danger zone at mga lugar na matindi ang naapektuhan ng ashfall.”

Dagdag pa nila, “Prayoridad ng DOT ang kaligtasan ng lahat ng turista at mga lokal na komunidad, at hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at may sapat na impormasyon sa panahong ito.”

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *