Apat na biyahe ng Cebu Pacific mula Hong Kong patungong Maynila at pabalik ang kinansela nitong Biyernes dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Yagi (dating Severe Tropical Storm Enteng).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga naapektuhang flights ay 5J 110/111 at 5J 272/273 na bumabyahe sa rutang Manila-Hong Kong-Manila.

Ayon sa weather bureau, ang Super Typhoon Yagi ay huling namataan sa layong 825 kilometro kanluran ng hilagang Luzon at patungo sa timog bahagi ng China.

May dala itong pinakamalakas na hangin na umaabot sa 195 kilometro kada oras at bugso na aabot ng hanggang 240 kilometro kada oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *