Pres. Marcos, Inatasan ang DTI na Siguraduhin ang Abot-Kayang Presyo ng School Supplies para sa Paparating na Pasukan

Pres. Marcos, Inatasan ang DTI na Siguraduhin ang Abot-Kayang Presyo ng School Supplies para sa Paparating na Pasukan

MAYNILA — Inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking abot-kaya at makatarungan ang presyo ng mga gamit pang-eskuwela sa bansa, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, agad kumilos ang DTI alinsunod sa direktiba ng Pangulo at naglabas ng komprehensibong price guide para sa mga pangunahing school supplies na kailangan ng mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.

“Iniutos ng Pangulo sa DTI na siguraduhin na naaayon sa tamang presyo ang mga gamit pang-eskuwela,” pahayag ni Castro.
“Mabilisang aksyon ang gusto ng Pangulo para mabantayan at mapanatiling abot-kaya ang mga gamit-eskuwela para sa mga pamilyang Pilipino.”

Ayon sa DTI, bumaba ang presyo ng 29 school items kumpara sa nakaraang taon. Hinikayat ni Castro ang publiko na suriin ang inilabas na presyo ng mga gamit ayon sa bawat kategorya, na makikita sa opisyal na website ng DTI.

“Nandiyan po ang presyo ng pinakamurang school supplies per category. Konsultahin po natin ang listahan na iyan sa website ng DTI para makapili ng maayos at murang gamit para sa inyong mga anak,” dagdag pa niya.

Ang 2025 School Supplies Price Guide ay sumasaklaw sa 195 stock keeping units (SKUs) mula sa 12 pangunahing kategorya, kabilang na ang iba’t ibang uri ng notebook, pad paper, lapis, ballpen, krayola, at iba pang writing essentials.

Layunin ng mas malawak na gabay na ito na matulungan ang mga magulang at estudyante na makahanap ng mga produktong sakto sa kanilang pangangailangan at budget.

Batay sa price guide:

  • Notebooks: PHP15 hanggang PHP52

  • Pad paper: PHP15 hanggang PHP48.75

  • Lapis: PHP11 hanggang PHP24

  • Ballpen: PHP3 hanggang PHP33

  • Krayola (iba’t ibang laki): PHP12 hanggang PHP114

  • Pambura: PHP4.50 hanggang PHP20

  • Panghasa: PHP15 hanggang PHP69

  • Ruler: PHP16 hanggang PHP39

Tinatayang 101 SKUs o 52% ng mga produkto ay nanatiling pareho ang presyo mula noong nakaraang taon, kabilang na ang ballpen, pambura, at panghasa.

Bukod pa rito, nagpakilala rin ang DTI ng 48 bagong SKUs, o 25 porsyento ng kabuuang listahan, na nagbibigay ng mas maraming pagpipilian at mas sari-saring brand at variant para sa mga mamimili.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
📘 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
📺 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *