Sinimulan na ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF), at ng Lao People’s Democratic Republic (PDR) ang unang yugto ng negosasyon para sa isang kasunduan ukol sa Double Taxation Agreement (DTA).
Ayon sa pahayag ng DOF nitong Martes, isinagawa ang negosasyon mula Disyembre 4 hanggang 6, 2024 sa Luang Prabang, Lao PDR. Layunin ng DTA na alisin ang dobleng pagbubuwis sa kita at pigilan ang hindi pagbabayad o mababang pagbubuwis dulot ng tax evasion o avoidance sa mga transaksyon ng mga Pilipino at Lao PDR taxpayers sa pagitan ng kanilang mga bansa.
“This initiative is a testament to the DOF’s strong commitment to safeguarding the integrity of our tax system by closing loopholes and preventing tax evasion. More importantly, it symbolizes our collective resolve to deepen economic cooperation and strengthen diplomatic ties between the Philippines and Lao PDR,” pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto.
Dagdag pa niya, ang pagtutulungan sa usapin ng cross-border taxation ay maghahatid ng mas malawak na oportunidad para sa kalakalan, pamumuhunan, at pag-unlad.
Ang Pilipinas ay mayroon nang mga DTA kasama ang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam. Katatapos lang din ng negosasyon nito sa Cambodia at nakatakdang lagdaan ang kasunduan sa Pebrero 2025.
Samantala, ipinahayag ni Deputy Director ng Lao Tax Department na si Saymanolinh Sinbandhit ang kahalagahan ng kooperasyon. “Aligned with ASEAN Framework Agreements and our mutual dedication to expanding the DTA network, these negotiations represent our joint intention to strengthen cooperation within our community,” ani Sinbandhit.
Ang delegasyon ng Pilipinas sa negosasyon ay binubuo nina DOF Revenue Operations Group (ROG) Assistant Secretary Dakila Elteen Napao, ROG Director Euvimil Nina Asuncion, Bureau of Internal Revenue (BIR) OIC-Deputy Commissioner for Legal Larry Barcelo, at International Tax Affairs Division Chief Robbie Bañaga.
Samantala, ang delegasyon ng Lao PDR ay pinangunahan ni International Tax Cooperation Division Director Sivay Vilaihan, kasama ang Tax Audit Division Director Vongsavanh Dethvongsa, Legal Division Acting Director Kongsy Namvavongmixay, VAT and Excise Tax Administrator Division Deputy Director Phaypany Choummaly, at International Tax Cooperation Division Deputy Director Athitnakone Phimmasone.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

