Nanatiling matatag ang kalagayan ni Papa Francisco habang nagpapagaling sa isang ospital sa Rome dahil sa pulmonya, ayon sa inilabas na medical bulletin ngayong Miyerkules.
📌 Pinakahuling Update sa Kalagayan ng Santo Papa:
✅ Walang bagong kaso ng respiratory failure
✅ Sumailalim sa high-flow oxygen therapy ngayong araw
✅ Ipinagpatuloy ang non-invasive mechanical ventilation sa gabi
✅ Mas pinaiting ang respiratory physiotherapy at active motor therapy
✅ Ginugol ang maghapon sa isang upuan bilang bahagi ng rehabilitasyon
Ayon sa Vatican Press Office, ang Papa ay patuloy na nagpapagaling at mahigpit na mino-monitor ng mga doktor upang matiyak ang kanyang mabilis na paggaling.
Ang buong Simbahang Katolika at mga mananampalataya sa buong mundo ay nag-aalay ng panalangin para sa patuloy na paggaling ng Santo Papa.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

