Pagsasabatas ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP), Inaprubahan ng Senado

Pagsasabatas ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP), Inaprubahan ng Senado

Sa pag-apruba ng Senado nitong Lunes sa Senate Bill No. 2568 o ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act, binibigyan nito ng pagkakataon ang mga nagtapos ng senior high school at technical vocational schools na makakuha ng college degree sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan sa trabaho.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, sa pamamagitan ng ETEEAP, ang karanasan sa trabaho—pormal man o di-pormal—ay magkakaroon ng katumbas na kredito upang makamit ang isang bachelor’s degree o higit pa sa mas maikling panahon.

“Sa panukalang ito, nais nating higitan pa ang 3,000 na graduates kada taon na nakakatapos sa programa,” sabi ni Villanueva.

Dagdag pa niya, “Nais din nating siguruhing mas dadami ang mga paaralan at kurso na magpapatupad ng ETEEAP, mula sa kasalukuyang 110 na pribado at pampublikong institusyon na posibleng maging 472. Inaasahan din natin na magkakaroon ng ETEEAP Center of Excellence at Center of Development sa bawat rehiyon.”

Sa ilalim ng batas, ang mga aplikante ng ETEEAP ay dapat hindi bababa sa 23 taong gulang, nakatapos ng sekondaryang edukasyon, at may limang taong karanasan sa industriyang may kaugnayan sa kursong nais kunin.

Ang programang ito, na ipinatutupad ng Commission on Higher Education (CHED), ay layuning solusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga hindi nakatapos ng kolehiyo, lalo na ang mga may kasanayang hindi pormal na kinikilala, na maaaring magdulot ng kawalan ng mga oportunidad sa trabaho.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *