P20 Kada Kilo na Bigas, Mas Pinalawak na sa 87 Lokasyon sa Buong Bansa sa Ilalim ng “BBM Na” Program

P20 Kada Kilo na Bigas, Mas Pinalawak na sa 87 Lokasyon sa Buong Bansa sa Ilalim ng “BBM Na” Program

Mas marami pang Pilipino ang makikinabang sa PHP20 kada kilong bigas mula sa gobyerno sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na,” ayon sa Department of Agriculture (DA) ngayong Huwebes.

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng programa sa mga Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa tatlong pampublikong pamilihan sa Bacolod City, lumawak na ang distribusyon ng murang bigas sa kabuuang 87 lokasyon sa bansa — mas mataas sa orihinal na target na 55 KNP sites na unang itinakda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, mapapabilis pa ang pagpapalawak ng programa sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Lalawak pa ang bilang ng mga lokasyon sa mga darating na linggo dahil sa suporta ng Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development,” ani Guevarra.
“Sa mga susunod na buwan, posibleng umabot o humigit sa 1,000 ang mga lugar na maaabot ng P20 kada kilong bigas.”

Mga Lugar na May BBM Na P20 Bigas

Batay sa tala ng DA hanggang Hunyo 5, narito ang mga lugar kung saan maaring makabili ng murang bigas:

  • Metro Manila – 19 KNP centers at pop-up stores

  • Central Luzon (Aurora, Bulacan, Nueva Ecija) – 8 lokasyon

  • Calabarzon (Cavite, Laguna, Rizal) – 8 lokasyon

  • Mimaropa (Oriental at Occidental Mindoro) – 1 lokasyon bawat isa

  • Food Terminal Inc. (non-Kadiwa) – 9 outlet sa Metro Manila

Lokal na Pamahalaan na Katuwang ng DA

Nakipag-ugnayan na rin ang ilang lokal na pamahalaan upang maipamahagi ang bigas sa kani-kanilang mga nasasakupan, kabilang ang mga sumusunod:

  • Ilocos Region: Pangasinan

  • Central Visayas: Tudela, San Francisco, Alegria, Malabuyoc, Aloguinsan, Argao, Asturias, Balamban, Bantayan, Barili, Borbon, Carcar City, Catmon, City of Bogo, City of Naga, City of Talisay, Compostela, Ginatilan, Medellin, Minglanilla, Oslob, Pinamungahan, Poro, Samboan, San Fernando, Santander, Sogod, Tabogon, Tabuelan, Toledo City, Tuburan, Mandaue, Badian, Madridejos, Daanbantayan, Boljoon, at buong lalawigan ng Cebu

  • Western Visayas: Bacolod Central Market, Burgos Public Market, at Libertad Public Market sa Bacolod City

Ang programang “BBM Na” ay bahagi ng pagtugon ng administrasyon sa panawagan ng publiko para sa mas abot-kayang pagkain, lalo na sa harap ng patuloy na hamon sa ekonomiya.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
📘 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
📺 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *