Isa na namang malagim na gabi ang bumalot sa bayan ng Rizal, Cagayan matapos mapatay si Mayor Joel Ruma habang nangangampanya sa Barangay Illuru Sur noong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi sa loob mismo ng barangay hall, habang abala si Ruma at ang kanyang grupo sa pangangampanya para sa nalalapit na halalan.
Sa gitna ng pamamaril, nasugatan din ang isang sibilyan na kinilalang si Merson Abiguebel. Agad silang isinugod sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklara nang dead on arrival si Mayor Ruma ng mga doktor.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang salarin sa krimen. Wala pa ring malinaw na motibo kung bakit pinaslang ang alkalde.
Naglagay na ng mga checkpoint ang pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bayan at kalapit na lugar, habang masinsinan ang isinasagawang manhunt operation para mahanap ang suspek sa pamamaril.
Ang biglaang pagpaslang kay Mayor Ruma ay nagpapataas ng tensyon sa lalawigan, lalo’t nalalapit na ang panahon ng halalan.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
https://www.facebook.com/PwersaBalita/
www.youtube.com/@pwersabalita
https://x.com/PwersaBalita
https://www.tiktok.com/@pwersabalita
https://www.instagram.com/pwersabalita/
https://www.threads.net/@pwersabalita

