Dahil sa matinding init ng panahon, sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong Martes.

📢 “Pinapayuhan ang mga paaralan na gumamit ng alternatibong paraan ng pag-aaral,” ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna sa isang social media post nitong Lunes ng gabi.

🌡 Heat Index sa Maynila: Aabot ng 43°C ngayong araw, kaya’t pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat at iwasan ang matagalang pagbabad sa init.

Mga Lugar na May Kanseladong Klase Dahil sa Matinding Init:

📍 Quezon CityKindergarten hanggang Senior High School (Public)
📍 Bacoor, CavitePreschool hanggang Grade 12 (Public at Private)
📍 Abucay, BataanLahat ng antas (Public at Private)
📍 Orani, BataanLahat ng antas (Public at Private)
📍 Samal, BataanLahat ng antas (Public at Private)
📍 Hermosa, BataanLahat ng antas (Public at Private)

⚠️ Payo sa Publiko: Uminom ng sapat na tubig, iwasan ang direktang sikat ng araw lalo na sa tanghali, at gumamit ng proteksyon gaya ng payong o sumbrero upang maiwasan ang heat stroke.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *