Itinataguyod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas ligtas at mas matatag na digital na kapaligiran sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng cybersecurity. Sa bisa ng Executive Order (EO) No. 58 na inilabas noong Abril 4, 2024, pormal nang ipinatutupad ang National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 na binuo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagpapatibay ng seguridad sa cyberspace ay isang pangunahing hakbang upang maprotektahan ang mamamayan at mga negosyo laban sa lumalawak na cyber threats. Saklaw ng NCSP ang mga patakaran at hakbang na tutugon sa digital vulnerabilities ng bansa.

Mas Ligtas na Digital na Pamahalaan
Bilang pagsuporta sa digital transformation, ang mga ahensya ng pamahalaan ay nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapabuti ang kanilang serbisyo gamit ang teknolohiya. Ang Department of Agriculture (DA) ay naglunsad ng mga proyektong Smart ICT upang gawing moderno ang sektor ng agrikultura.

Noong Hunyo 10, 2024, inilunsad ng DA ang Digital Agriculture Team sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) upang mapahusay ang produksyon, pagpapanatili, at pamamahala ng mga mapagkukunan sa agrikultura.

Samantala, inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) noong Disyembre 4, 2024, ang Budget and Treasury Management System (BTMS) na naglalayong gawing mas bukas at epektibo ang paghawak ng pondo ng pamahalaan. Noong Disyembre 13, 2024, inilunsad din ng DBM ang PhilGEPS eMarketplace upang gawing mas madali para sa mga ahensya ng gobyerno ang pagbili ng kanilang mga pangangailangan mula sa mga aprubadong supplier.

Pakikipagtulungan sa South Korea
Upang higit pang mapaunlad ang digital infrastructure ng Pilipinas, pumasok ang bansa sa isang kasunduan sa South Korea sa pamamagitan ng Korean-Philippine Economic Innovation Partnership Program (EIPP).

Sa unang pagpupulong ng EIPP noong Enero 16, 2025, inihayag ang tatlong pangunahing proyekto:

  1. National Communications Satellite Roadmap – Layunin nitong palawakin ang saklaw ng komunikasyon sa bansa, lalo na sa mga malalayong lugar.
  2. Philippine E-Government Master Plan – Magpapadali ng mga transaksyon sa pamahalaan upang gawing mas mabilis at accessible ang serbisyo publiko.
  3. Integrated Data Center – Magpapalakas ng seguridad sa data ng gobyerno gamit ang advanced technology ng South Korea.

Ayon kay Joseph Capuno, Undersecretary for Investment Programming sa NEDA, “Sa pamamagitan ng sama-samang inisyatiba, maisusulong natin ang isang hinaharap kung saan ang Pilipinas ay magiging isang digital powerhouse sa pandaigdigang ekonomiya.”

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *