Sa paggunita ng Miyerkules ng Abo ngayong Marso 5, magdaraos ang Manila Cathedral ng tatlong misa kasama ang tradisyunal na paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya.
๐ Mga Schedule ng Misa at Paglalagay ng Abo:
๐น 7:30 AM โ Pangungunahan ni Msgr. Rolando Dela Cruz, Rector ng Manila Cathedral
๐น 12:10 PM โ Pangungunahan ni Fr. Vicente Gabriel Bautista, Vicar ng Manila Cathedral
๐น 6:00 PM โ Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula
๐ฌ Oras ng Kumpisal:
๐ 10:00 AM – 12:00 NN
๐ 3:00 PM – 5:00 PM
Ang Miyerkules ng Abo ay hudyat ng pagsisimula ng 40-araw na Kuwaresma, isang panahon ng panalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa para sa mga Katoliko. Sa araw na ito, ang mga pari ay naglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya bilang paalala ng pagiging alikabok ng tao at pagbabalik nito sa Diyos.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

