Inaasahan ang malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng southwest monsoon o “habagat,” ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes.

Bagama’t walang nakikitang bagyong tatama sa bansa, sinabi ni PAGASA forecaster Rhea Torres na ang habagat ay magdudulot ng pag-ulan sa Timog at Kanlurang bahagi ng Luzon. Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Mimaropa at Antique, habang ang Metro Manila, Rehiyon ng Bicol, Calabarzon, at ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms, dagdag pa ni Torres.

Inaasahan din ng PAGASA ang bahagya hanggang katamtamang lakas ng hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng karagatan sa buong kapuluan.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts: Facebook, YouTube, X, TikTok, Instagram, Threads.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *