Tumaas nang tatlong beses ang kabuuang kita ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa taong 2024, mula ₱7.3 bilyon noong 2023 patungong ₱22.1 bilyon, ayon sa ulat na inilabas ngayong Martes.

Ayon sa pahayag ng BCDA, lumagpas ang naturang kita sa inisyal na projection na ₱11 bilyon. Pangunahing pinagmulan ng pagtaas ay ang kita mula sa isang joint venture kasama ang pribadong developer na nagdala ng halos ₱13.9 bilyon.

Tumaas din ang service concession revenues sa ₱3.4 bilyon noong 2024 mula ₱2.5 bilyon noong nakaraang taon, dahil sa pagtaas ng toll rates at paglago ng operasyon sa mga paliparan, kabilang ang pagdami ng mga pasahero, kargamento, at biyahe.

Umabot naman sa ₱1.59 bilyon ang kinita mula sa mga negosyo at lease agreements.

Ayon kay BCDA President at CEO Joshua Bingcang, “Sa patuloy naming pagsusulong ng inobasyon, matalinong pakikipag-partner, at responsableng pagpapaunlad, nananatiling matatag ang BCDA sa layuning bumuo ng mga smart at sustainable na komunidad, at makapaghatid ng mga proyektong may pangmatagalang epekto.”

Dagdag pa niya, “Hindi lang basta numero ang mga kita na ito. Simbolo ito ng mga oportunidad para sa inklusibong pag-unlad, dekalidad na trabaho, at mas maayos na pamumuhay para sa mga Pilipino.”

Batay sa Republic Act 7227, tungkulin ng BCDA na gawing sentro ng pag-unlad ang mga dating kampo-militar. Nakakalikha ng kita ang BCDA sa pamamagitan ng pagbebenta at pagpapaupa ng lupa, joint ventures, at mga concession fees.

Bahagi ng mga kinikitang ito ay inilalaan sa Bureau of the Treasury bilang dividends at kontribusyon sa Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin sa iba pang mga benepisyaryong ahensya. Samantala, ang natitirang pondo ay muling ipinupuhunan sa mga proyektong pang-imprastruktura upang patatagin ang mga economic zone, pag-ugnayin ang mga rehiyon, at makaakit ng mas maraming mamumuhunan.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
🔴 www.youtube.com/@pwersabalita
https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *