Kapatid ni Dismissed Mayor Alice Guo, Nasa Kostudiya na ng Senado; Chinese National na si Zhang Mier, Pareho Kay Shiela Guo

Kapatid ni Dismissed Mayor Alice Guo, Nasa Kostudiya na ng Senado; Chinese National na si Zhang Mier, Pareho Kay Shiela Guo

Nasa kustodiya na ng Senado si Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, matapos itong ma-detain ng National Bureau of Investigation (NBI). Dumating si Shiela sa Senado nitong Lunes ng tanghali kasunod ng kanyang pagkaka-detain.

Si Shiela ay kasama ni Cassandra Ong na dumating sa Pilipinas noong Agosto 22 matapos maaresto sa Mega Mall Batam Centre, isang mall sa Riau, Indonesia noong Agosto 20. Si Ong ang lessor ng lupa kung saan nakatayo ang ni-raid na POGO gaming operator na Lucky South 99 sa Pampanga.

Samantala, dadalhin si Ong sa House of Representatives para i-detain matapos maglabas ng arrest order laban sa kanya ang Kamara.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, isang Chinese national na may pangalang Zhang Mier si Shiela. “May naganap na comparative fingerprint analysis sa pagitan ni Shiela L. Guo, na nasa amin, at isang Zhang Mier. Ang resulta ng analysis ay nagpapakita na si Chinese national na si Zhang Mier at si Shiela L. Guo ay iisang tao,” ani Santiago.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts: Facebook, YouTube, X, TikTok, Instagram, Threads.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *