Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes na ilang bahagi ng bansa ang makararanas ng pag-ulan dahil sa epekto ng apat na weather systems.
📍 Mga Apektadong Lugar at Sanhi ng Pag-ulan:
☁️ Batanes, Cagayan, at Apayao – Dulot ng northeast monsoon o “amihan”.
⛈️ Isabela at Aurora – Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa shear line.
🌧️ Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi – Makararanas ng scattered rains at thunderstorms sanhi ng intertropical convergence zone (ITCZ).
Ayon sa PAGASA, ang moderate hanggang malalakas na buhos ng ulan sa mga naturang lugar ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng pabugso-bugsong ulan o thunderstorms dulot ng easterlies. Babala ng PAGASA, ang matitinding thunderstorms ay maaari ring magresulta sa flash floods at landslides.
📌 Kondisyon ng Hangin at Dagat:
🌊 Northern Luzon – Moderate hanggang malakas na hangin, at katamtaman hanggang maalon na karagatan.
🌬️ Iba pang bahagi ng bansa – Mahina hanggang katamtamang hangin na may bahagyang hanggang katamtamang alon.
Sa ngayon, walang namataang low-pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo, ayon sa monitoring ng PAGASA hanggang alas-2 ng umaga.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
📢 Sundan ang aming social media accounts:
➡️ Facebook: Pwersa Balita
➡️ YouTube: Pwersa Balita
➡️ X (Twitter): Pwersa Balita
➡️ TikTok: Pwersa Balita
➡️ Instagram: Pwersa Balita
➡️ Threads: Pwersa Balita

