Ang Visayas at karamihan sa mga lugar sa Luzon ay makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat, ayon sa ulat ng PAGASA nitong Huwebes. Patuloy na mararanasan ang paminsang-minsang pag-ulan sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Ang habagat ay magdadala rin ng kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila, Western Visayas, Negros Island Region, Calabarzon, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, at sa natitirang bahagi ng Mimaropa.

Inaasahan din ang mga paminsang pag-ulan o pagkidlat sa rehiyon ng Bicol, natitirang bahagi ng Central Luzon, at iba pang bahagi ng Visayas.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas din ng mga isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms. Sa kabila nito, magpapatuloy ang banayad hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa kabuuan ng kapuluan.

Antas ng Tubig sa La Mesa Dam

Samantala, iniulat ng PAGASA na ang antas ng tubig sa La Mesa Dam ay nasa 79.89 metro na lamang, mas mababa sa spilling level nito na 80.15 metro. Inaasahan na unti-unting bababa ang antas ng tubig sa dam at hindi na makakaapekto sa mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River.

Nitong Miyerkules, naitala ang antas ng tubig sa 80.16 metro dahil sa patuloy na mga pag-ulan.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts: Facebook, YouTube, X, TikTok, Instagram, Threads.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *