MAYNILA — Asahan ang panibagong bugso ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa bunsod ng southwest monsoon o habagat at epekto ng isang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng madaling araw, bagamat maliit ang tsansa ng LPA na maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras, patuloy pa rin itong magpapalakas ng ulan sa ilang lugar sa Silangang Visayas at Caraga Region.
Ayon sa ahensya, inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga sumusunod na lugar: Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Samantala, dala pa rin ng habagat ang maulang panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Nagbabala rin ang PAGASA na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na rehiyon.
Sa natitirang bahagi naman ng bansa, asahan ang mga panaka-nakang pag-ulan na may kasamang localized thunderstorms dulot pa rin ng habagat.
Sa panig ng Luzon, partikular sa hilagang at kanlurang bahagi, magpapatuloy ang katamtamang lakas ng hangin at alon sa mga baybayin. Sa ibang bahagi ng bansa, magiging banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin at bahagyang maalon ang karagatan.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🌐 Facebook
📺 YouTube
🐦 X (Twitter)
🎵 TikTok
📸 Instagram
🧵 Threads
