Magdadala ng mga pag-ulan ang easterlies sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Martes. Asahan ang kalat-kalat na ulan at thunderstorm sa Isabela, Aurora, at Quezon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga pag-ulan na may katamtaman hanggang malakas na buhos sa mga nabanggit na lugar ay maaaring magdulot ng flash floods o landslide.
Dagdag pa ng PAGASA, magdudulot din ang easterlies ng panaka-nakang ulan at thunderstorm sa iba pang bahagi ng Luzon at Eastern Visayas. Sa ibang bahagi naman ng bansa, makararanas ng pulu-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Walang binabantayang low-pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw, ayon sa ahensya. Patuloy namang iiral ang mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang taas ng alon sa buong kapuluan.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

