Isang makasaysayang tagumpay sa larangan ng maayos at tapat na pamamahala ang muling naabot ng Climate Change Commission (CCC) matapos itong tumanggap ng ika-10 sunod na “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa kanilang financial statements na nagtatapos noong Disyembre 31, 2024.
Ang “unmodified opinion” ang pinakamataas na rating na ibinibigay ng COA, na nangangahulugang malinis, tumpak, at naaayon sa pandaigdigang pamantayan ang presentasyon ng pondo, daloy ng pondo, net assets/equity, at ang pagkukumpara ng aktwal at planadong gastusin ng ahensya.
Isinagawa ang pagsusuri ng COA batay sa International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs) at kinumpirma nitong walang natuklasang anomalya o malalaking pagkakamali sa pinansyal na ulat ng CCC.
“Ipinagmamalaki namin ang aming mga opisyal at kawani para sa dekadang dedikasyong ito,” pahayag ni CCC Commissioner Robert E.A. Borje nitong Lunes.
Dagdag pa niya, ang pagkilalang ito ay hudyat ng patuloy na pagganap sa kanilang mandato nang may pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan, transparency, at integridad — alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang mahusay na pamahalaan.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang CCC sa kanilang finance at accounting teams, gayundin sa mga stakeholders at partners na patuloy na sumusuporta sa adhikain ng ahensya na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan sa pamamahala sa pampublikong sektor.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
🔴 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

