SSS PENSION BOOSTER, NAGBIGAY NG 6.2 NA KITA SA MGA MYEMBRO

BALITA
Jun 25, 2026 1,383

SSS Pension Booster, Nagbigay ng 6.2% na Kita sa mga Miyembro Sa Kabila ng Hamon sa Ekonomiya.

|Via Randulf Rana 


QUEZON CITY — Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na patuloy ang magandang performance ng kanilang Pension Booster Program, na kilala rin bilang Voluntary Provident Fund, ngayong 2026. Nakapagtala ito ng average return on investment o ROI na 6.2 porsyento mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kahit na may hamon sa ekonomiya. Nananatili itong maaasahang option para sa retirement savings ng mga manggagawang Pilipino.


Bagamat bahagyang mas mababa kumpara sa performance noong nakaraang taon dahil sa pagbabago ng interest rates na ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nananatiling competitive ang kita at patuloy na mas mataas sa benchmark rates ng merkado.


Binigyang diin ni Finance Secretary at Social Security Commission ex-officio Chair Frederick D. Go 

Ang patuloy na malakas na performance ng SSS Pension Booster ay kanilang commitment na protektahan ang financial future ng mga manggagawang Pilipino. Sa maingat na pamamahala ng pondo ng mga miyembro, tinutulungan naming makabuo ng mas secure at marangal na retirement para sa bawat Pilipino.”


Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. de Claro:*  

Ang malakas na performance ng Pension Booster ay nagpapakita ng disiplinado at propesyonal na pamamahala ng savings. 


Nananatili umano silang  committed na bigyan ang mga miyembro ng mas malaking financial security pagdating ng retirement.”


Ang 6.2% na kita ngayong 2026 ay kasunod ng *6.83% return noong 2025*, at mas mataas ito sa prevailing 91-day treasury bill rate na may year-to-date average na tinatayang 4.77% lang.


Noong 2025, tumaas ng 21.8% ang contributions sa *P699 milyon* mula sa P574 milyon noong 2024, na nagpapakita ng lumalaking tiwala ng mga miyembro sa program.


Para mapalaki ang kita ng mga miyembro, tinanggal ng SSS ang 1% management fee sa total balance ng Pension Booster accounts mula 2025 hanggang 2028. Buong makakamit ng mga miyembro ang investment gains.


Maaari nang i-monitor ng mga miyembro ang monthly compounding growth ng kanilang Pension Booster savings sa pamamagitan ng kanilang http://My.SSS accounts. Makakatulong ito para masubaybayan ang progress ng retirement funds at makagawa ng mas informed na desisyon sa pagplaplano para sa kinabukasan.


Ang Pension Booster ay bukas sa lahat ng SSS members para makapag-ipon ng dagdag para sa retirement. Pwede magsimula sa *P500, walang maximum contribution limit*. Ang mga contributions ay pinagsasama-sama at ini-invest sa government securities, corporate bonds, fixed-income instruments, equities, at money market instruments, na may *tax-free earnings* na kinikredit nang proportional sa mga account ng miyembro.


“Ang pagplaplano at pag-iipon para sa retirement ay dapat magsimula nang maaga. Kung mas matagal na naka-invest ang mga miyembro, mas malaki ang potential returns nila.”


Ang mga interesadong SSS members ay maaaring mag-enroll sa Pension Booster Program online sa pamamagitan ng kanilang http://My.SSS account.


Sa gitna ng pagbabago sa interest rates, nananatiling malakas at tax-free ang kita ng SSS Pension Booster. Para sa mga naghahanap ng safe at competitive na paraan para mag-ipon pang-retirement, isa ito sa pinakamagandang option ngayon.


#ssspensionbooster 

#SSSpensioners 

#BagongPilipinas 

#everyonehighlights 

#everyonefollowers