“Bagong Panuntunan sa Turismo ng Spain: Masusing Koleksyon ng Personal na Datos, Kontrobersyal”

“Bagong Panuntunan sa Turismo ng Spain: Masusing Koleksyon ng Personal na Datos, Kontrobersyal”

Simula nitong Lunes, ipinatupad sa Spain ang bagong regulasyon na humihiling sa mga hotel, car rental agencies, at iba pang tourism operators na kumuha ng karagdagang personal na impormasyon mula sa mga turista.

Ang mga bagong panuntunan ay idinisenyo umano upang tulungan ang mga pulisya sa paglaban sa terorismo at organisadong krimen. Gayunpaman, mariing tinutulan ito ng industriya ng turismo dahil sa pangambang masisira ang privacy ng mga turista at magpapataas ng gastusin at tagal ng pagbiyahe.

Ayon kay Jorge Marichal, pinuno ng Spanish hotel association na CEHAT, “Ngayon, kailangan naming kolektahin ang halos 40 detalye mula sa kliyente – kabilang ang impormasyon tungkol sa relasyon, paraan ng pagbabayad tulad ng mga account o card na ginamit – kahit para lamang sa bookings.”

Nagbanta rin ang CEHAT ng legal na hakbang laban sa epekto ng bagong polisiya. Sinabi pa ng isang hotel manager sa RTVE na ang proseso ay maaaring magpahaba ng check-in time ng hanggang 10 minuto kada kustomer.

Ang datos ay kailangang isumite sa pamamagitan ng isang online na aplikasyon ng Interior Ministry. Ngunit noong Lunes, maraming ulat ang nagsasabing bumagsak ang nasabing app.

“Hindi namin alam ang teknikal na dahilan, ngunit ito ay patunay ng kakulangan ng foresight ng ministeryo. Hindi nila sapat na hinanda ang app para sa dami ng pang-araw-araw na operasyon,” ani Catiana Tur ng tourist agency association na ACAVE.

Samantala, nag-aalala rin ang mga turista tungkol sa epekto ng bagong regulasyon sa kanilang privacy. Ayon sa ilang turista mula sa UK, balak nilang iwasan ang Spain dahil sa panibagong panuntunan.

Depensa naman ng Interior Ministry, ang pagbabago ay isang update lamang sa lumang sistema ng pagkolekta ng datos na hindi na akma sa makabagong teknolohiya sa pagbabayad at pagbabago sa industriya ng turismo. Dagdag pa nila, ang hakbang ay tugon sa mga kriminal na natutong umiwas sa umiiral na regulasyon sa pag-upa ng sasakyan at pagpapa-book sa mga accommodation.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *