Nais mo bang maging updated sa mga pinakabagong balita sa larangan ng agrikultura? Alamin ang mga kwento ng pagsusumikap at tagumpay ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang sulok ng bansa sa “AGRI ABANTE,” isang bagong programa sa radyo na naglalayong maghatid ng mahahalagang balita, impormasyon, at inspirasyon para sa ating mga magsasaka.

 

Sa programang ito, matutunghayan mo ang:

 

Mga tips sa mas epektibong pamamaraan ng pagsasaka.

 

Mga praktikal na payo mula sa mga eksperto sa agrikultura.

 

Mga programa at serbisyong sumusuporta sa mga magsasaka.

 

 

Ang “AGRI ABANTE” ang magiging boses ng mga magsasaka, nagbibigay ng impormasyon at gabay para sa kanilang patuloy na pag-unlad.

 

Makinig tuwing Linggo kay Bryan de Paz, mula alas-nueve hanggang alas-dyes ng umaga, dito lang sa DWAR 1494 Abante Radyo. Mapapanood rin sa aming official Facebook Page at YouTube Channel.

 

Ang Agri Abante ay naka share rin sa Pwersa Balita Facebook page.

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *