Dalawampung miyembro at suporter ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad mula Enero 16 hanggang 18 sa ilalim ng programang Oplan “Balik-Loob” ng gobyerno, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa pahayag ng Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3), karamihan sa mga sumuko ay noong Enero 14, kabilang ang pitong miyembro mula sa Liga ng Manggagawang Bukid sa Guimba, lima mula sa Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa sa Laur, at dalawa mula sa Bulacan.
Kasama ng kanilang pagsuko ang pag-turn over ng mga armas, bala, at mga pampasabog sa lokal na pulisya.
Pinuri ni Brig. Gen. Jean Fajardo, direktor ng PRO-3 at tagapagsalita ng PNP, ang kooperasyon sa pagitan ng mga yunit ng pulisya at mga lokal na komunidad na nagbigay-daan sa pagsuko ng mga rebelde.
“Hinihikayat namin ang iba pang mga insurgents na iwanan na ang karahasan at simulan ang panibagong buhay. Ang mga tagumpay na ito ay patunay ng ating tuloy-tuloy na pagsusumikap na wakasan ang karahasan at magtaguyod ng kapayapaan sa Central Luzon,” ani Fajardo sa isang pahayag nitong Linggo.
Ang Oplan Balik-Loob program ng gobyerno ay nagbibigay ng tulong pinansyal, suporta sa kabuhayan, at serbisyo para sa reintegrasyon ng mga dating rebelde. Layunin nitong wakasan ang lokal na insurhensiya at isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

