PHILIPPINE OPEN DOOR POLICY TO JEWISH PEOPLE

FEATURE
Aug 20, 2026 2,690

ππˆππ€π‹π€π‹π€ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€ππ€πˆπ“π€π 𝐍𝐈 ππ€ππ†π”π‹πŽππ† ππ”π„π™πŽπ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π‡π”πƒπ˜πŽ: "ππˆππ€π’ ππˆππ”πŠπ’π€π 𝐀𝐍𝐆 ππˆππ“πŽ 𝐍𝐔𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 πˆππ€"


Tuwing Agosto 19, ginugunita hindi lang ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, kundi pati ang pambihirang kabanata sa ugnayan ng Pilipinas at ng mga Hudyo.


"πŽππ„π πƒπŽπŽπ‘ ππŽπ‹πˆπ‚π˜" 𝐍𝐈 ππ”π„π™πŽπ

Noong late 1930s, habang tumatakas ang mga pamilyang Hudyo sa pag-uusig ng mga Nazi sa Europe at nagsasara ang pintuan ng maraming bansa, ibang landas ang pinili ni Pangulong Quezon.


Sa ilalim ng kanyang "Open Door Policy", binuksan ng Pilipinas ang pinto para sa mga Hudyo na tumatakas mula sa Europe. 


Sa kabuuan, humigit-kumulang 1,300 Jewish refugees ang nakatagpo ng kaligtasan sa Pilipinas.


"Para sa mga pamilyang 'yan, hindi lang kanlungan ang ibinigay ng Pilipinas. Pag-asa ang ibinigay nito sa panahong halos wala nang ibang bansa ang tumatanggap," ayon sa pahayag ng Israel Chamber of Commerce of the Philippines o ICCP.


ππ€π†π‹π€π‹π€π–π€πŠ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πˆππˆπ†π€π

Naging pundasyon ito ng espesyal na relasyon ng mga Pilipino at Hudyo. 


Lalong tumibay ang ugnayan noong 1947 nang maging tanging bansa sa Asia ang Pilipinas na bumoto pabor sa UN Resolution 181 - ang resolusyong sumuporta sa pagtatatag ng bansang Israel.


Ayon sa ICCP, patuloy na lumalago ang pagkakaibigan ng #Philippines at #Israel sa pamamagitan ng taumbayan at sa kooperasyon sa negosyo, teknolohiya, agrikultura, healthcare, innovation at iba pang larangan.


"Sa Israel Chamber of Commerce of the Philippines, proud kaming ipagpatuloy ang pagkakaibigang ito sa pamamagitan ng makabuluhang ugnayan, partnership at oportunidad para sa dalawang bansa," dagdag ng grupo.


Para sa ICCP, ang pamana ni Pangulong Quezon ay paalala na "ang pinakamatibay na ugnayan ng mga bansa ay nagsisimula sa tao - sa tapang, malasakit, at sa pagtindig kasama ng iba sa oras ng pangangailangan."


Isang pamana na naaalala. Isang pagkakaibigang nagpapatuloy. |

via Randulf Rana


#ManuelLQuezon #PhilippinesIsrael #IsraelPhilippines #ICCP #PhilippinesIsraelFriendship #Balita

#IsraelAmbassador #reporterstv 

#followerseveryone